Thank You

Paigsiin natin ang medyo mahaba habang kwento ng nakaraan, nakaraan na handa ko ng ilahad sa lahat ng mga nakakakilala at nakakaalam. Sa halos limang taon ng aming relasyon masasabi ko na ako ang pinakamaloko samin. Tumitikim ng ibang putahe behind his back na ilang beses nyang nahuli. Ilang beses na break up pero sa bandang huli magiging ok din at mapapatawad nya ako. Ang gago ko lang diba? Pero dadating ka sa point na mananawa ka lalo na pag mahal mo ung taong nilaan na sayo na makasama hanggang sa pagtanda nyo. May usapan pa kami dati na kami na hanggang sa pagtanda. In-fairness naman nakita ko talaga sa kanya na sya na nga ang taong makakasama ko habang buhay. Ang sarap lang sa pakiramdam di ba, ang iyong FOREVER.

Kaso nabago un nang isang mali at pabigla biglang desisyon. Mahirap pag malayo kayo sa isat isa. Nangibang bansa sya at naiwan ako sa Pilipinas. Pagtatalo na nauwi sa hiwalayan tru text. Siguro naisip ko magiging kami pa din kasi palagi naman kami naghihiwalay. Away bati na maaayos din naman bandang huli. Un ang akala ko.

Birthday ko nun at naipangako nya na uuwi sya ng Pilipinas bago ang aming break up, so umuwi ako ng bahay galing trabaho at umaasang madadatnan ko sya pagdating ko.  Patay ang ilaw pero sa loob loob ko sana nga andun sya para sorpresahin ako. Yayakapin ako, magpapatawad at sasabihing sana maging kami uli. Ngunit nabigo ako, walang tao na sumalubong sakin para batiin ako ng maligayang kaarawan, para yakapin ako ng mahigpit at sabihing mahal na mahal kita. Pinaka malungkot na kaarawan ko sa tanang buhay ko. Lungkot imbes na saya ang kasama ko ng gabing iyon, pero sa sarili ko maaayos pa namin to at hinde pa huli ang lahat.

Sumunod ako sa bansa kung san sya nagtatrabaho. Blessing in disguise na nahired ako, sa isip isip ko magkakabalikan kami. Kaso mapaglaro talaga ang That Thing Called Tadhana starring JM at Angelika. Ibang tao na ung nakita ko ng mga sandaling un. Ibang iba sa taong nakasama ko ng ilang taon sa iisang bubong.
Na mas lalo pang dumurog ng pagkatao ko nung nalaman ko na may iba na pala sya. Hinde na pala nya ako naantay para humingi ng tawad at sabihing nagkamali ako sa desisyon kong makipaghiwalay.  Sabi ko hala hinde pala uso ang 3 months rule. Aantayin kita ang sabi ko sa kanya, kaso lalo lang nadurog ang puso ko ng sinabi nyang "Wag mo na akong antayin" aray ang sakit sa puso. Sa madaling salita huli na pala ang lahat. Pumunta ka sa ibang bansa para makipagbalikan sa taong handa mong makasama sa pagtanda para lang malaman na may iba na pala sya, ang sakit sobrang sakit. Pero kasalanan ko eh nakipaghiwalay ako na hinde ko pala kakayanin. Isang desisyon na kay tagal kong pinagsisihan. Nasabi ko tuloy na ito na siguro ung tinatawag nilang karma.

Hirap mag move on, inabot ako ng ilang taon bago ko sya naiaalis sa sistema ko. Sya ang taong pinakaminahal ko. Ung taong akala ko eh makakasama ko na habang buhay. Kaso ika nga ng kanta ni Barbara Streisand "Some good things never last" at ang kanta ng Roxette na "It Must Have Been Love" Nagkamali ako at humingi ako ng kapatawaran kaso ibang tao na ang nakaharap ko nung mga oras na un. Wala akong nadinig na sorry sa mga bagay na nagawa nya nung kami pa na wala sa hinagap ko na magagawa nya kasi hinde ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Masakit isipin na nabago sya ng pagpunta nya sa ibang bansa. Siguro un ang dahilan kung bakit ako nahirapan magmove on. Ilang gabi nya ako binisita sa panaginip ko pero miski dun never kami nagusap, miski sa panaginip eh para kaming estranghero sa isat isat. Siguro ung madanig ko lang na humingi sya ng sorry sa lahat ng nagawa nya ung lang siguro ang inaantay ko para makapagmove on ako that time.

"Life becomes easier when you learn to accept an apology you never got" hangang sa natutunan ko na lang magpatawad. Mahirap pag napunta sa pagkamuhi ung galit na naramdaman ko sa kanya. Inisip ko na lang na mas madami kaming masasayang alaala na dapat itreasure. Mga masasayang alaala na babaunin namin miski hinde na kami ang magkasama sa pagtupad ng mga pangarap namin nung kami pang dalawa. Sa puso ko napatawad na kita sa bagay nagawa mo na akala ko eh hinde ko kayang ibigay sa sobrang sakit na naramdaman ko at sana ako din sa lahat ng mga naging kasalanan ko sayo.

Masaya ako na naging parte ka ng nakaraan ko. Walang halong pagsisisi kundi taos pusong pasasalamat. Maraming salamat sa mga masasayang oras, araw, at halos limang taon na nakasama kita. Masaya ako na kung ano man ang mayron ka ngaun. Pagdarasal ko na sana lahat ng pangarap mo para sayo at sa pamilya mo eh matupad lahat.

Sorry ha hinde talaga ako marunong sumulat. Madaming kwento na sadyang hinde ko na sinama para maiwasan ang issue hehehe






Comments

  1. Hay, naging saksi ako sa mga taong iyon. Mukhang okay na okay ka na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayos na ang lahat papa mugs. Salamat sa pagdamay sakin nung mga panahon na sobrang down ako nun hehehe.

      Delete
  2. Replies
    1. 😊😊😊🤗🤗🤗 thanks

      Delete
  3. Hindi ko man nasaksihan ang lahat ng pangyayari sa inyo. Ramdam ko at naka relate ako sa mga inilahad mong kwento. Tama ka hindi man kayo ang naging forever ng isat isa.. masayang alaala na lamang ang inyong nakaraan at di kailan man malilimutan..

    Isang kaibigan,

    Dadi

    ReplyDelete
  4. Tangina ang sakit talaga nito. Hindi ako sanay na tender ka, Papa T. Kaya lalong nakaka apekto ito. Hay. Pag nagkita tayo ulit sagot ko na fried isaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ung isang side ko lang kasi ang madalas kong ipakita, masayahin at lokoloko pero ibang side ko na nasasaktan, umiiyak eh mas gusto kong sarilinin na lang.


      Sige mga 3 crispy isaw ha hahaha thanks thanks

      Delete
  5. Replies
    1. Ay ok na ako... masaya na din ako ngaun. Sana masaya na din sya😊😊😊

      Delete

Post a Comment